Kwarto
Maglilinis ako ng aking kwarto Na punong-puno ng galit at damit Mga bagay na hindi ko na kailangan Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban Oohh Oohh Mga liham ng nilihim kong pag-ibig At litrato ng kahapong maligalig Dahan-dahan kong inipon Ngunit ngayoy kailangan nang itapon CHORUS Di ko na kayang mabuhay sa kahapon Kaya mula ngayon, mula ngayon May jacket mong nabubulok sa sulok Na inaalikabok na sa lungkot May panyong ilang ulit nang niluhaan Isang patak sa bawat beses na tayoy nasaktan REPEAT CHORUS Mula ngayon Ala-ala ng lumuluhang kahapon Dahan-dahan ko na ring kinakahon Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya Lumabas ako ng kwartot naroon siya Magpapaalam na sa yo ang aking kwarto (4x) Magpapaalam na sa yo(3x) Magpapaalam na sa yo ang aking kwarto